Education · Success

My Commencement Address

lourie.jpg

L-R: Mr. Graciano P. Budoy Jr-School Principal (Blue Top), Mr. Sherwin Ballesta-Mathematics Teacher (Pink Top), Mrs. Carmelina D.M. Tan-Public Schools District Supervisor (Sitting), and Me while receiving the certificate on the recognition day.

Dear All, 

I was invited to be a guest speaker on my elementary Alma Mater last March 28, 2017. Kindly see below the copy of my speech during the recognition day. I hope this would help to motivate and inspire the youth today. Happy reading!

Cheers,

Prima

Theme: “Sabay-Sabay na Hakbang Tungo sa Maunland na Kinabukasan.”

Sa ating Punung-guro: Ginoong Graciano Budoy, mga kawani ng paaralan, mga guro , mga panauhin, mga minamahal nating magulang at higit sa lahat, sa mga mag-aaral na bibigyang pagkilala sa umagang ito, masayang araw po sa inyong lahat!

Isang malaking karangalan na maging panauhin tagapagsalita sa pagdiriwang ito.  At sa siyam na taong lumipas, muli po akong nagbalik. Marami pong nagbago sa paaralang H.J. Atienza na itinuring kong pangalawang  tahanan. And I’m very proud, that I graduated in this school, publikong paaralan na may mahuhusay na mga mag-aaral. At sasabihin ko po sa inyo, na ang pagmamahal ko sa paaralang ito ay hindi nagbago, maging ang height ko.

Sir Ballesta and Ma’am Garlejo, requested me to be your Guest Speaker this morning. At sino ba naman po ako para tanggihan ang paanyaya ng dalawa sa pinakamagagaling na guro ng H.J. Atienza. So, dear honor students, let me share with you my experiences throughout my school journey from elementary, to high school and in college. Mahaba-habang kwnetuhan, pero pinapangako ko po sa inyo, na pagkakasyahin ko ito sa loob lamang ng limang minuto-at dalawang araw.

So today, dear teachers, parents and students, please allow me to share with you the four important values in life that I have learned toward success-the values of hard work, humility, friendship and gratitude.

Hardwork

 Let me start with hard work. Did you know that the first secret to success is to wake up early? Ayon sa kasabihan, daig ng maagap ang masipag. And the early bird catches the worms. It’s very easy when you’re in elementary because classes start at 6am. You have to wake up early dahil kayo ang toka sa flag ceremony.  So dapat gumising ng maaga, kahit ang mata mo’y pupungas-pungas pa.

But when you go to college, hawak mo ang oras ng klase. Pwede kang malate, umabsent at hindi umattend sa flag ceremony. Walang leader na magchecheck sayo ng attendance. Mahaba yung nightlife mo with your college friends. At hindi ka gagabihin sa pag-uwi, dahil inuumaga ka na kaka-party. That is why it’s very difficult to wake up early in college and at work. Lagi mong sasabihing, “five minutes pa, hanggang ma-late ka na.”

The road the finish school is not an easy one. You have to be wise. At sa murang edad, marunong na kong maghanapbuhay. I developed my work ethics from my childhood days. And yes, just like you I came from a poor family.

Way back in elementary, ala-singko pa lang ginigising nako ng lola ko. May nakahanda ng pagkain, pampaligo at higit sa lahat pambaon. Anong kapalit ng pag-aasikaso niya? Kailangan kong galingan sa school, magbasa, magsulat at umuwi ng bahay na walang bahid ng mantsa ang uniporme ko, dahil ako’y pagagalitan nya. Katulad ninyo, pumasok din akong walang baon. Dun ko ilalabas yung naipon kong pera, bibili ako sa tindahan ng isang supot ng sampalok, sa halagang sampung piso, na may dose piraso. At kinabukasan, ibebenta ko yun sa loob ng klase ng tatlo-lima. May kita po akong sampung piso. At dahil negosyante nako ng mga panahong iyon, tinatatlong supot ko na, para may tubo akong trenta. Pasalamat na lang po ako, na hindi napapansin ng grade 2 and 3 teachers ko, na may umiikot na supot ng sampalok sa klase nila. At marunong ding magtapon ng buto ng sampalok ang mga kaklase ko sa basurahan.

When I was in high school, my parents were financially unstable. In order to earn money for my younger siblings and to continue my study, I worked as a sales lady in mall. At that time, kinse anyos pa lang ako nun at may may qualifications ang pagiging sales lady. Una dapat 18 yrs old ka, pangalawa dapat matangkad ka. But because I’m creative and don’t let the situation to stop, I stated on my bio-data that I’m 18 and used the 3 inch-high-heels of my tita during the interview. Yun! Ginalingan ko lang! Kaya sabi sakin ng boss kong chinese, “Ikaw madaldal. Dito mo gamit yan. Para dami ko benta.”

On weekdays, I was a student.  On weekends, a sales staff. Constant po ang laban ng puyat, pagod at antok.  Pero dahil nananalaytay po sa dugo ko na makapagtapos ng pag-aaral, hindi ako tumigil. And later on, I got my diploma. And I’m  happy to inform you that because of my hardwork, I am the first in the generation of my relatives and family who graduated in college.

Dear students, your success is a matter of hard work and commitment.

 Kapag sinabi mong:

Hindi ka titigil, hindi ka dapat tumigil!”,

“Hindi ka titigil, hanggat hindi ka nakakapagtapos!”, at

 “Hindi ka titigil, hanggat hindi ka nagiging successful!”

 Kahit mahirap, kahit walang baon dapat kayong magpatuloy! Ang mabuhay kayong mahirap hindi ninyo kasalanan! Pero ang mamatay na dilat pa rin ang mga mata ay tanda ng kapabayaan. Ito’y pagpapatunay na hindi ninyo pinagbutihan ang panahon at oras na inibingay sa inyo ng Maykapal.

Kaya kayo nandito ngayon because you work harder that the rest. Always focus and concentrate on what you’re doing. And grab every opportunity that will come along your way.  Do not be afraid and always believe in yourself.

Huwag mong sasabihin sa sarili mo na:

“Hindi ko kaya yan”

“Ayaw ko nyan at mamaya na lang!”

You don’t make excuses for us; you make excuses for your own success. You will never ever achieve your dreams kapag tatamad-tamad ka at late kang bumangon sa umaga.

So dear students, may I request to raise your right hand. Ang hindi magtaas, hindi bibigyan ng certificate at medalya. Now, tap the person to your right. Sabihin ninyo, “Gigising ako ng maaga!” Now raise your left hand, and tap the person to your left. Sabihin ninyo, “Bumangon ka rin ng maaga!”

HUMILITY

Let me tell you a short story about Humility.

Ilang siglo na ang nakalilipas, sa isang madilim na kagubatan habang umuulan nang malakas, may napakalaking puno na nabuwal sa daan. Hindi makatawid ang isang grupo ng mga sundalo. At ang pasigaw na utos ng kanilang pinuno na nakasakay sa kabayo, “Sa aking hudyat, tanggalin, putulin ninyo ang punong iyan para tayo’y makaraan!” At ginawa nga ng mga sundalo ang nasabing utos, habang nakatingin lamang ang kanilang pinuno na hindi tumulong sa kanila.

Nang biglang dumating ang isang manlalakbay sakay ng puting kabayo. Tinanong nya ang pinuno ng mga sundalo, “Bakit hindi mo tinutulungan ang iyong mga kasama?” Ang sagot ng pinuno nang buong pagmamayabang, “Ako ang nakatataas sa hukbong ito. Ako ang magbibigay ng utos. At ang pagtulong sa kanila’y, nakakababa ng aking katungkulan.”

Hindi nagdalawang isip na tanggalin ng manlalakbay ang kanyang salakot at balabal. Bumaba sya sa kanyang kabayo. Buong lakas na tinulungan nya ang mga sundalo para tanggalin ang nakaharang na puno. At bago sya umalis, sambit nya sa pinuno, “Kapag nagkaroon ulit ng problema, tawagan ninyo ako, at ako’y darating.” “Bakit? Sino ka ba?”Nagtatakang tanong ng pinuno.

“I am George Washington.” Mabilis na umalis ang manlalakbay sakay ng puting kabayo. Labis na ikinagulat iyon ng mga sundalo. At ang nasabing pinuno ay hiyang-hiya sa kanyang inasal. Dahil ang manlalakbay pala ay ang kanilang Presidente at ang Commander-In-Chief ng US Military.

We can learn the value of Humility from the story of George Washington.

Humility is one of the most important things that everyone needs to develop. Being humble makes you a better person, a better student and a better teammate.

Hindi porket ikaw ang itinanghal na pinakamagaling sa klase, ikaw na rin ang pinakamayabang.

It is better to stay your feet on the ground no matter how many medals, certificates and awards that you have received. After bringing the bacon in your home, and counting your medals, biglang papasok sa isip mo, “Ilan din kaya ang natulungan ko?”

You have to share your knowledge. Ibahagi ang nalalaman para sabay din kayong magtagumpay.

Inside your classroom, you must have a friendly competition. Kahit naiinis ka sa kanya dahil siya na lang ang hindi pa nag-lilike ng bago mong profile picture. Always keep in mind the values of humility and teamwork. Dahil malayo ang mararating ng mga taong marunong magpakumbaba at marunong tumulong sa kapwa.

Be humble and don’t let your success go to your head!

Please may I request you to tap the person to your right. Sabihin ninyo, “Congratulations! Nakaya natin!” Now, tap the person to your left. Sabihin naman ninyo, “Salamat! Pa-blowout ka naman dyan!”

 FRIENDSHIP

Let me tell you about the value of friendship.  Tignan ninyo ang mga katabi ninyo ngayon. Yung nasa kaliwa at yung nasa kanan at yung nasa likod. Pangmasdan ninyo silang mabuti. Ke maganda sya o gwapo sa inyo, remember their faces. Sila yung mga dating nakasabay mo lang sa paglalakad, kasama sa pila, katabi sa upuan, kalaban sa group activities, at karamay kapag napagalitan ng guro. These are the people who have known you at your worst and at your best. At sa oras na wala kang mahanap na papel kapag may biglaang quizzes, sila yung sasagip sayo.

Dear students, through victories and defeats karamay mo sila. In good times and bad times, hindi ka nila iniwan.At kapag nagkamali ka, hindi ka nila titirahin patalikod, bagkus kokomprontahin ka nila paharap with flying kick at matamis na mura pa yan. Senyales na tunay nga silang kaibigan.

Based on my experience, when you go to high school and college, you will meet new friends who would encourage you to do good.  At yung iba sa kanila, iimpluwensyahan kang gumawa ng masama. Sila’y mga halimaw na may mabait na hitsura. At kailangan ninyong mag-ingat sa kanila. You will spend more time with them having the same interests. But however, during the darkest moments in your life-such as your first heartbreak, missing your exam, dropping in school, and facing family problems-your first set of friends from elementary ang mga unang taong sasagip sayo kahit ilang beses mo silang “sineenlord” sa facebook. Wala silang inaantay na kapalit, ilibre mo lang sila sa recess, masaya na sila.

Ladies and gentlemen, deal and make new friends. Explore the beauty of life. Nurture new friendships and relationships but don’t forget your real friends. Remember to thank these people who stand at your side kapag nangangarag ka na sa klase at petsa de peligro na ang baon mo sa eskwela.

So dear students, again, please raise your right hand and tap the person to your right. Sabihin mo sa kanya, “Hindi kita makalilimutan.” Now raise your left hand and tap the person to your left. Sabihin mo, “Hindi ko rin makalilimutan ang utang mo!”

 GRATITUDE

I have to ask you a question, “When was the last time you said ‘I love you’ and ‘thank you’ to your parents and your teachers?”

There are times when you take them for granted.  Sa sobrang busy mo sa mga school projects, tests,  kakacomputer at barkada hindi mo na sila nabibigyan ng oras para makakwentuhan.

Ilang beses mo na bang nasagot ang nanay mo dahil ginabi ka na naman ng uwi galing sa eskwela?  At ilang beses ka ng sumagot ng pabalang sa tatay mo dahil masyado syang stricto at hindi naman ikaw ang may sala?

But you have to ask yourself.

“Ilang beses bakong nakinig sa pangaral nila? Ilang beses bakong tumulong sa bahay at ilang beses bakong sumunod sa utos?”

 Kung wala ang mga magulang ninyo, o ang mga itinuturining ninyong mga magulang, hindi kayo makakapag-aral. Hindi ibig sabihin na pinapagalitan at pinagsasabihan nila kayo, eh hindi na nila kayo mahal. Iba man ang tono ng boses nila at pananalita nila para kayo’y pangaralan, mananatili kayong pinakamahalagang regalo.  Their love and affection for you are endless. At walang kapantay. So for now on, appreciate your parents for their sacrifices. And return their affection by showing them the love and respect they deserve.

Pasalamatan niyo rin ang inyong mga guro na buong sikhay kayong tinuturuan kung panong bumasa, sumulat at magsalita sa tulong ng kanilang kakayahan. At gumabay sa inyo para maging responsableng mag-aaral. And last, thank our Dear God for giving you the wisdom and knowledge during your studies. 

So today, dear students, may I request you to please stand-up. Look at your parents and your teachers. Show your gratitude by giving them a big round of applause! Palakpakan natin sila! Wala na bang mas ilalakas yan? Thank you so much. You may now take your seat.

Sa lahat ng estudyante, simula pa lang ito ng tunay na laban. But never stop on learning. Never stop on dreaming. At kung mangangarap kayo, taasan nyo na.  Dahil lahat ng bagay ay possible. Narito kayo sa paaralan, sa tulong ng inyong mga guro at mga magulang, upang ihanda kayo sa kinabukasan.

Sa mga kabataan, “Mag-aral. Magtapos. Magtagumpay. At magpunyagi!”

Once again. Congratulations to all of you!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s